MGA PUNA SA BUHAY NI..
mga orig, halaw, kopya, kasinungalingan, inspirasyon, kathang isip na pwede'ng isahog sa pinakbet ng buhay

Sunday, December 2, 2007

oxie-bulary

napansin ko na sa pagsulpot ng industriya ng pagtetex madami sa mga nakaka-usap ko ang nakalimot na (kung hindi man totally walang alam) sa napakagandang sining ng pakikipagtalastasan gamit ang mga salitang kanto. kaya naisip kong ibahagi sa inyo ang ilan sa abot bg aking maaalala para kahit paano ay maging kuwela naman kayo sa aking pandinig at paminsan-minsan ay masindak mo si erpatz at ermatz. hehee..



heto ang ilan:



todits: [to-dits] ibig sabihin ay dito. (ganun ka-simple!)



etneb: bente pesos. (kailangan pa ba ipaliwanag?)



sapak: [sa-pak] (nasa unang pantig ang diin) ayon kay tenshi, isang kaibigan ng inyong makulit na lingkod: isa'ng tao'ng may sayad, pero kinalaunan ay ginamit na namin para tukuyin anumang bagay na kuwela.



paks: hindi ko alam kung galing sa salitang "pakner" as in partner o sa "sapak". basta sabi ni me-an sa kin "tropa" daw ibig sabihin neto. di ba paks?



oxie: [ok-si] tawag sa kin ng ex ko nung kami pa. ibig sabihin? gagu; nakakaasar; nakakainis, as in oxie ka! pero pakiramdam ko pag sinasabihan niya ko nito ang ibig niya sabihin ay "tanginamu kung di lang kita mahal.." wahaha..



paksa: [pak-sa] (sa unang pantig din ang diin) na sa dagupan pa ko naglalaboy madalas sabihin ni Pidyong pag may nakikita siyang maganda't seksi'ng bebot. "ui, paksa pare!"



toga: [to-ga] sapatos. (di ba may sintas din ang toga? yun siguro paliwanag dun!)



yoyo: [yo-yo] relos. (hindi yow-yow mangmang! yoh-yoh!)



isoy: [i-soy] sigarilyo. (binaliktad namin yung yosi para hindi makahalata si ma'am nung highschool days. actually sa amin lang magkakaibigan to, pwede mo siya gayahin kasi hindi naman patented to tol. HUWAG MO LANG ANGKININ! share ka na lang ng royalty kapag sumikat, ha?)



astig: [uhs-tig}hindi ordinaryo. (alam ko alam mo na to pero P.S.I.K, para sa iyong kaalaman galing ang astig sa salitang tigas, na ang ibig sabihin ay siga. pero saan ba galing ang salitang siga? galing ito sa "sigarilyo." ngayon, alam mo na?)



iskor: [s-kor] pandiwa; iniskor, iskorin. (ibig sabihin ay "bilhin", "kunin")





paano, gang todits na lang muna mga paks, iskor pa kong bogchi eh. danghapon!

No comments: