MGA PUNA SA BUHAY NI..
mga orig, halaw, kopya, kasinungalingan, inspirasyon, kathang isip na pwede'ng isahog sa pinakbet ng buhay

Monday, January 14, 2008

sukob

mga bagay na nakakapagpatayo ng balahibo ko, pero nakakatawa sa iyo.

-si mahal, kumakanta ng "jingle bells", nakabihis duwende at may tangan na chainsaw.

-biglang bumait ang boss mo sa iyo. titingnan mo sa kalendaryo kung kailan magkaka-full moon pero sa susunod pang dalawang linggo.

-isandaan pa ang bakanteng upuan sa sinehan kung saan ka nanonood, biglang may tatabi sa yong dalawang bakla'ng sinlaki ni danny seigle, naka-tube, kumakain ng stik-O, at gigitnahin ka.

-ang palaging sinasabi ni pare'ng raymond:
"walang apoy sa impyerno pare, ang impyerno ay isang buong karagatan ng [ heto kinikilabutan na ko ] ...TAE.

-nakasakay ka sa dyip at may kasabay kang magandang chick. kasama niya ang lola niyang nobenta anyos. si chick naka-jacket, si lola naka-tanktop. si chick naka-dreadlock, si lola bagong re-bond. si chick nagte-text, si lola nakatingin sa iyo, kumikindat. ang masaklap nito ay nagbayad ka na at dalawampung kilometro pa ang layo ng bahay mo. wala ka ng pera.

-ang makapanuod ng sex scandal ni barney at michael jackson.

-ang ideya na baka biglang lumabas si sadako sa inidoro habang jume-jebs ako.

-ang signboard sa gate ng alma mater ko na:
"NO ID, NO ENTRY"

-kalendaryong may larawan ni angelica panganiban na naka-bikini
(oo, kinilabutan pati pinsan ko)

-yung spaghetti ko, may kikiam.

sa totoo lang madami pa pero TUMATAYO NA BALAHIBO KO! tama na muna to.

6 comments:

Anonymous said...

:)
thanks.

Anonymous said...

o nagpapalit kna ba ng blog mo?

Anonymous said...

haha.. spaghetting may kikiam..
cool! :)

Unknown said...

sos... scared!

hehe...

kung sinlaki naman ni danny yung mga baklang yun eh alisan mo na lang at wag mo nang sitahin....

pero sayang yun, kase kung malaki siya eh di malaki din ang anu niya,

:)

Anonymous said...

@anonymous
mahal, kaw ba yan??

@s
hinde.

@gladyspillbox
oo, malamig na nga eh.

@dotep
hindi ko pa naexpriryenz yun pero pag naiisip ko naiiihi ako sa salawal ko.
dongabayemen!
salamat sa pagdaan.

Anonymous said...

waw..bago yan ah..kikiam sa spaghetti..