MGA PUNA SA BUHAY NI..
mga orig, halaw, kopya, kasinungalingan, inspirasyon, kathang isip na pwede'ng isahog sa pinakbet ng buhay

Tuesday, December 11, 2007

ang "angas", bow.

angas: [pangngalan] pagtitiwala sa sarili; lakas ng loob; tigas ng tae.

hindi lang talento ang kailangan para makamit mo ang gusto mo. siyempre kailangan mo rin ng ANGAS..
gaya ng mga tao'ng ito.

sir edmund hillary: ano ba pumasok sa kukote niya at inakyat niya ang everest? dahil may pangarap siya.. at angas. hindi siya alien na may spaceship kung iniisip mong sinurvey niya muna ang tuktok ng bundok bago niya ito naakyat. matiyaga lang talaga ang mama.

ely buendia: bumaha ng angas noong 1990's at talagang patigasan ng tae noon pero umangat siya dahil mas matatag ang angas niya(ganun din si rico blanco, bamboo manalac, at pare- si francism) pwera pa ang talento kaya gang ngayon nasa industriya pa siya.

trillanes: (oo, yung maangas na senador) di man nagtagumpay ang kumag na 'to madami siya'ng napahanga dahil sa angas niya, kulang lang talaga siguro ng talento. (pagsabihan nga siyang magsanay..)

hellen keller: lumabas ang galing nito sa kabila ng kaniyang kapansanan. imbes mawalan ng pagasa ay nagsulat nang nagsulat, at nakilala. ano tawag mo dun? eh di angas.

gandhi: iisipin mo bang mapapalaya at mapagbu-buklod ng isang unano'ng lampayatot gaya niya ang buong India? ang alam ko nag-cleansing din siya pero habang tumatanda ay na-constipate na rin kaya ayun, tumigas ang tae. oh di ba angas yun?

bill gates: isang nerd sa eskwelahan at laging pinagtri-tripan ng mga kaklase at ka-eskwela niyang "astig" kuno, kusang tinubuan ng angas, nagpursige at nagpayaman(pasalamat ka dahil sa kaniya mas masaya magsurf sa woldwaidweb!) oh, asan na mga kaklase niya ngayon?

ginang arroyo: may pusong aktibista din ako pero binibigay ko pa rin ang paghanga ko sa midget na to, magtatagal ba siya duuun!- kung wala siyang angas? ma'am, baka may bilihan ka ng angas, share mo naman!

madami pang mga gaya nila pero sa tingin ko naibahagi ko na ang mensahe ko. huwag mo maliitin sarili mo, kumain ka ng kumain ng ANGAS para tumangkad ka at maabot mo ang pangarap mo,
isa ka na dun, anne betina arcueres.

1 comment:

AB said...

mushy nmn ng msg m. (=
angas lng dw?? suUUuh...

lamat s lhat yin. ztiG.


^_^ mwaH.