mga bagay na nakakapagpatayo ng balahibo ko, pero nakakatawa sa iyo.
-si mahal, kumakanta ng "jingle bells", nakabihis duwende at may tangan na chainsaw.
-biglang bumait ang boss mo sa iyo. titingnan mo sa kalendaryo kung kailan magkaka-full moon pero sa susunod pang dalawang linggo.
-isandaan pa ang bakanteng upuan sa sinehan kung saan ka nanonood, biglang may tatabi sa yong dalawang bakla'ng sinlaki ni danny seigle, naka-tube, kumakain ng stik-O, at gigitnahin ka.
-ang palaging sinasabi ni pare'ng raymond:
"walang apoy sa impyerno pare, ang impyerno ay isang buong karagatan ng [ heto kinikilabutan na ko ] ...TAE.
-nakasakay ka sa dyip at may kasabay kang magandang chick. kasama niya ang lola niyang nobenta anyos. si chick naka-jacket, si lola naka-tanktop. si chick naka-dreadlock, si lola bagong re-bond. si chick nagte-text, si lola nakatingin sa iyo, kumikindat. ang masaklap nito ay nagbayad ka na at dalawampung kilometro pa ang layo ng bahay mo. wala ka ng pera.
-ang makapanuod ng sex scandal ni barney at michael jackson.
-ang ideya na baka biglang lumabas si sadako sa inidoro habang jume-jebs ako.
-ang signboard sa gate ng alma mater ko na:
"NO ID, NO ENTRY"
-kalendaryong may larawan ni angelica panganiban na naka-bikini
(oo, kinilabutan pati pinsan ko)
-yung spaghetti ko, may kikiam.
sa totoo lang madami pa pero TUMATAYO NA BALAHIBO KO! tama na muna to.
Monday, January 14, 2008
Tuesday, December 11, 2007
ang "angas", bow.
angas: [pangngalan] pagtitiwala sa sarili; lakas ng loob; tigas ng tae.
hindi lang talento ang kailangan para makamit mo ang gusto mo. siyempre kailangan mo rin ng ANGAS..
gaya ng mga tao'ng ito.
sir edmund hillary: ano ba pumasok sa kukote niya at inakyat niya ang everest? dahil may pangarap siya.. at angas. hindi siya alien na may spaceship kung iniisip mong sinurvey niya muna ang tuktok ng bundok bago niya ito naakyat. matiyaga lang talaga ang mama.
ely buendia: bumaha ng angas noong 1990's at talagang patigasan ng tae noon pero umangat siya dahil mas matatag ang angas niya(ganun din si rico blanco, bamboo manalac, at pare- si francism) pwera pa ang talento kaya gang ngayon nasa industriya pa siya.
trillanes: (oo, yung maangas na senador) di man nagtagumpay ang kumag na 'to madami siya'ng napahanga dahil sa angas niya, kulang lang talaga siguro ng talento. (pagsabihan nga siyang magsanay..)
hellen keller: lumabas ang galing nito sa kabila ng kaniyang kapansanan. imbes mawalan ng pagasa ay nagsulat nang nagsulat, at nakilala. ano tawag mo dun? eh di angas.
gandhi: iisipin mo bang mapapalaya at mapagbu-buklod ng isang unano'ng lampayatot gaya niya ang buong India? ang alam ko nag-cleansing din siya pero habang tumatanda ay na-constipate na rin kaya ayun, tumigas ang tae. oh di ba angas yun?
bill gates: isang nerd sa eskwelahan at laging pinagtri-tripan ng mga kaklase at ka-eskwela niyang "astig" kuno, kusang tinubuan ng angas, nagpursige at nagpayaman(pasalamat ka dahil sa kaniya mas masaya magsurf sa woldwaidweb!) oh, asan na mga kaklase niya ngayon?
ginang arroyo: may pusong aktibista din ako pero binibigay ko pa rin ang paghanga ko sa midget na to, magtatagal ba siya duuun!- kung wala siyang angas? ma'am, baka may bilihan ka ng angas, share mo naman!
madami pang mga gaya nila pero sa tingin ko naibahagi ko na ang mensahe ko. huwag mo maliitin sarili mo, kumain ka ng kumain ng ANGAS para tumangkad ka at maabot mo ang pangarap mo,
isa ka na dun, anne betina arcueres.

Thursday, December 6, 2007
the philippine animal kingdom
iba't iba'ng uri ng hayop na nakatira sa ating bansa. kinalap at sinaliksik ng inyong aba'ng lingkod. mayaman ang ating bansa sa lahat ng uri ng hayop at kahayupan. sana nga ay ma-endanger na ang kanilang mga tanginang lahi. ganunpaman nais kong ipabatid sa mambabasa na walang nasaktan na hayop habang ginagawa ang likhang panulat na ito.
buwaya: karaniwang malaki ang tiyan, alam mong gutom na yan kapag tumambay na sa kanto, nakasubo ang pito, may hawak na tiket at namamara ng sasakyan.
linta: mga sipsip sa city hall, tahimik at malupit.
lamok: mas matindi sa linta dahil nakakalipad at mas garapal dahil walang pakialam kung may nakakarinig.
kuhol: siya ang sinisipsip.
baboy: pork barrel, anyone? ikaw cong?
tuta: pinaka-masunuring hayop sa kaharian, lahat ng sabihin ng amo ay kaniyang gagawin.
aso'ng ulol: mga dating mababait na tuta, bigla na lang nangangagat ng amo at nanloloob ng hotel.
hunyango: paiba-iba ng kulay, di mo alam kung oposisyon o maka-admin, nakatira sa puno ng balimbing.
kapre: wala na sa puwesto pero madalas pa makita sa t.v. nananabako.
elepante: mahaba ang buhay lalo na sa pagka-pinuno sa mababang kapulungan dahil na rin sa lapad ng tenga.
tagak: akala mo kung sinong napakalaki, yabang umasta, nakatungtong lang naman sa kalabaw.
troll: lambeses na pinapababa sa pwesto, hindi matinag eh! san ba nagkukulang mga kalaban niya??
leprechaun: isang napakatalinong senadora, minsan cute, madalas nakakatakot..
buwitre: mga nangangain ng patay at bulok na laman. sinasamantala ang iyong kahinaan at kahirapan. (tanginang droga at jueteng)
paru-paro: mga socialites, lipad ng lipad around da world. bakasyon lang ba!
yan lang muna nahugot ko sa inaamag kong isipan. pwede mag-pasa ng inyong mga mungkahi sa site na ito. sa comments na lang. salamat.
ingatan at mag-ingat sa mga hayop.

Monday, December 3, 2007
mga ibig sabihin ng mura
hindi naman masama magmura, dahil hindi lahat ng naririnig mo ay kasing-kahulugan ng iniisip mo. malabo? basahin mo to:
anamputik, oo: "ayan ka na naman eh! kelan ka ba matututo?!"
puuw-tang-i-na!: "ang galing naman nun kaka-elibs!"
ay tanga!: "hala, mali napainom kong gamot kay lolo!"
nampu-chanaman: "tama ba namang pati almusal ko tirahin mo pare?"
"eh bakit mo kinalimutan??"
hmp! gagu!: kapag gf mo ang nagsabi:
"huwag mo ko pinagblu-blush dito hahalikan kita mamaya pag wala ng tao!"
gago/gaga!: pag si nanay nagsabi ang kahulugan:
"tapusin mo na yan!!"
tarantado!: "sige magsumbong ka sa nanay mo wala kang baon bukas!"
yan si erpats, hehee..
punyeetaaah: "wag kayo maingay natutulog ang tao dito eh!"
bwiseeet!: "nakakainis! nakakaasar! ayaw mag-send!"
ay, shet!: "hala, uniform ko! susuot ko pa to bukas eh!"
ooohhh shit..: mali iniisip mo andumi ng isip mo pare'ng tol! ang ibig sabihin neto ay:
"pare, nagasgas ko kotse ni daddy lagot!"
oh di ba hindi naman ganun kasama magmura? di ba jenny aquino?=)

Sunday, December 2, 2007
oxie-bulary
napansin ko na sa pagsulpot ng industriya ng pagtetex madami sa mga nakaka-usap ko ang nakalimot na (kung hindi man totally walang alam) sa napakagandang sining ng pakikipagtalastasan gamit ang mga salitang kanto. kaya naisip kong ibahagi sa inyo ang ilan sa abot bg aking maaalala para kahit paano ay maging kuwela naman kayo sa aking pandinig at paminsan-minsan ay masindak mo si erpatz at ermatz. hehee..
heto ang ilan:
todits: [to-dits] ibig sabihin ay dito. (ganun ka-simple!)
etneb: bente pesos. (kailangan pa ba ipaliwanag?)
sapak: [sa-pak] (nasa unang pantig ang diin) ayon kay tenshi, isang kaibigan ng inyong makulit na lingkod: isa'ng tao'ng may sayad, pero kinalaunan ay ginamit na namin para tukuyin anumang bagay na kuwela.
paks: hindi ko alam kung galing sa salitang "pakner" as in partner o sa "sapak". basta sabi ni me-an sa kin "tropa" daw ibig sabihin neto. di ba paks?
oxie: [ok-si] tawag sa kin ng ex ko nung kami pa. ibig sabihin? gagu; nakakaasar; nakakainis, as in oxie ka! pero pakiramdam ko pag sinasabihan niya ko nito ang ibig niya sabihin ay "tanginamu kung di lang kita mahal.." wahaha..
paksa: [pak-sa] (sa unang pantig din ang diin) na sa dagupan pa ko naglalaboy madalas sabihin ni Pidyong pag may nakikita siyang maganda't seksi'ng bebot. "ui, paksa pare!"
toga: [to-ga] sapatos. (di ba may sintas din ang toga? yun siguro paliwanag dun!)
yoyo: [yo-yo] relos. (hindi yow-yow mangmang! yoh-yoh!)
isoy: [i-soy] sigarilyo. (binaliktad namin yung yosi para hindi makahalata si ma'am nung highschool days. actually sa amin lang magkakaibigan to, pwede mo siya gayahin kasi hindi naman patented to tol. HUWAG MO LANG ANGKININ! share ka na lang ng royalty kapag sumikat, ha?)
astig: [uhs-tig}hindi ordinaryo. (alam ko alam mo na to pero P.S.I.K, para sa iyong kaalaman galing ang astig sa salitang tigas, na ang ibig sabihin ay siga. pero saan ba galing ang salitang siga? galing ito sa "sigarilyo." ngayon, alam mo na?)
iskor: [s-kor] pandiwa; iniskor, iskorin. (ibig sabihin ay "bilhin", "kunin")
paano, gang todits na lang muna mga paks, iskor pa kong bogchi eh. danghapon!

Subscribe to:
Posts (Atom)